DOH nagpalabas ng advisory para sa ‘Undas’

by Powered by DWIZ
0 comment
DOH nagpalabas ng advisory para sa ‘Undas’

Nagpalabas ng advisory ang Department of Health (DOH) para makapag ingat ang publiko sa pagtungo sa mga sementeryo sa paggunita ng araw ng mga patay bukas.

Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque III, mas mabuting magdala na lamang ng sariling pagkain at tubig para makaiwas sa food borne illnesses tulad nang pagdudumi o diarrhea na maaaring makuha sa hindi ligtas na pagkain na ibinibenta ng ambulant vendors.

Pinaalalahanan din ni Duque ang food vendors na tiyaking malinis ang paghahanda ng mga nilulutong pagkain para sa publiko kasabay ang payo sa local government units na bantayan ang mga nagtitinda ng pagkain sa mga libingan.

Pinayuhan naman ni Duque ang mga magulag na huwag nang isama ang kanilang mga maliliit na anak sa sementeryo para hindi malantad sa sakit ang mga ito.

Gayundin aniya ang mga matatanda lalo na yung may maintenance medicines at kung hindi naman makatiis magtungo sa sementeryo, tiyaking may kasama sila.

Related Posts