DOE bigong maabot ang target na NHE program – COA

DOE bigong maabot ang target na NHE program – COA

by Powered by DWIZ
0 comment 95 views

Inihayag ng Commission on Audit (COA) na bigo ang Department of Energy (DOE) na maabot ang target nitong makapagbigay ng full electrification sa mahigit 400,000 kabahayan sa bansa.

Sa audit report para sa 2018, sinabi ng COA na hindi nakamit ng DOE ang programa nitong Nationwide Intensification Of Household Electrification (NHE) na may P2.3-B na budget kung saan layunin nitong mabigyang ng kuryente ang 450,000 bahay  hanggang matapos ang 2018.

Batay sa report ng COA nasa 17.14% o 77,000 bahay lamang mula sa mahigit 400 households ang nabigyan ng kuryente.

0 comment

Related Posts