DND nilinaw na hindi ‘’luxury jet’’ ang biniling P2-B halaga ng presidential jet ng pamahalaan

DND nilinaw na hindi ‘’luxury jet’’ ang biniling P2-B halaga ng presidential jet ng pamahalaan

by Powered by DWIZ
0 comment 17 views

Nilinaw ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na hindi “luxury jet” ang biniling 2 bilyong pisong halagang presidential jet ng pamahalaan.

Ayon kay Lorenzana, ang biniling gulf stream g-280 aircraft ng pamahalaan ay parte ng modernization program ng Armed Forces of the Philippines o AFP.

Aniya, ito ay para sa technological advancement na magsisilbing 24-7 real-time command and control ng AFP sa oras na mayroong crisis situation.

Aniya, magagamit ito bilang pag-transport ng mga sugatang sundalo o sa oras na kakailanganin ito upang mabilis na madala sa pagamutan ang mga nangangailangang sibilyan pagdating ng sakuna.

Una rito, sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na hindi pagwawaldas ang pagbili ng pamahalaan sa naturang presidential jet.

0 comment

Related Posts