30.1 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Dipolog: Nagtulak ng shabu arestado ng otoridad

- Advertisement -

Arestado ang isang suspek na nagtutulak umano ng ipinagbabawal na gamot sa isinagawang drug buy bust operation ng Intelligence operatives sa Dipolog City Police Station na pinangungunahan ni PLt Ber John Tianok, Intelligence Officer, ilalim din sa superbisyon ni PLtCol Edwin D. Verzon, Acting Chief of Police bandang alas 5:00 ng hapon, Agusto 21, 2022 sa may Sitio Paraiso, Barangay Galas, Dipolog City.

Visit RPN DXKD Dipolog

Kinilala ang suapek na si Avelino Pagangpang Orot, Jr., 32 anyos, binata at residente sa Poblacion Godod, Zamboanga del Norte.

Nakompiska mula sa posisyon at kontrol ni Avelino ang isang malalaki at isang maliliit na pakete ng pinaniniwalaang shabu, isang maliliit na pakete ng shabu na binili ng poseur buyer mula kay Avelino as buy bust evidence, P1,000.00 peso bill served as buy bust money at drug paraphernalia.

Dinala sa Provincial Crime Laboratory Office si Avelino para sa drug testing kasali na ang nakompiskang drug items para sa chemical examination.

Samantalang nasa kustodiya na ng Dipolog City Police Station ang arestadong suspek at nahaharap na sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Rosevelt Mondinido)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -