KONSEHO SA CDO MOIMBESTIGA SA DRUG BUST KILLINGS
November 6, 2018
Police officer patay sa buy bust ops sa Zamboanga del Norte
November 6, 2018
Show all

Diño may babala laban sa kapitan na nambugbog umano ng binatilyo

Binalaan ng Department of Interior and Local Government ang sinumang magtatangkang mag cover up sa ginawang pambubugbog ng barangay kapitan at lima nitong kasama sa isang binatilyo sa Sta. Cruz, Maynila.

Ayon kay DILG Usec. Martin Diño, siguradong madadamay sa kaso ang sinumang kagawad o opisyal ng barangay na magtatago ng CCTV at iba pang ebidensya laban kay barangay Captain Felipe “PJ” Falcon.

Isang 16 taong gulang na binatilyo ang nagtamo ng matinding bugbog sa katawan at malalaking sugat sa ulo matapos pagtulungan nina Falcon.

Sinasabing hindi lamang nakilala ng biktima si Falcon at tinawag na kagawad kaya’t nagalit ang kapitan.

Wala siyang ikakatwiran sa kaso na ito, at kung patuloy na itatago ang kopya ng CCTV, puwedeng kasuhan ‘yan ng obstruction of justice. Pahayag ni Diño

(Ratsada Balita Interview)

Comments are closed.