Dingdong Dantes nag renew ng kontrata sa GMA Network

Dingdong Dantes nag renew ng kontrata sa GMA Network

by Powered by DWIZ
0 comment 46 views

Nag renew ng kontrata sa GMA si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.

Sinaksihan nina GMA Chairman at CEO Felipe Gozon at GMA President at COO Gilberto Duavit, Jr. ang pagre renew ni Dong ng kaniyang kontrata.

Present din sa nasabing renewal of contract ng aktor sina GMA SVP for Entertainment Group Lilybeth Rasonable at manager ni Dong na si Perry Lansigan.

Binigyang diin ni Gozon na ipinagmamalaki nila si Dingdong na maituturing na home grown talent ng Kapuso Network at ngayo’y isa sa pinakamagaling na aktor hindi lamang ng istasyon kundi ng buong bansa.

Natutuwa naman si Duavit na hindi nagbago ng ugali si Dingdong na nananatiling mapagkumbaba, very professional, loyal at isang kaibigan.

0 comment

Related Posts