DILG makikialam na sa listahan ng mga benepisaryo ng 4P’s

DILG makikialam na sa listahan ng mga benepisaryo ng 4P’s

by Powered by DWIZ
0 comment 28 views

Makikialam na ang Department of Interior and Local Government o DILG sa listahan ng mga pamilyang benepisaryo ng 4Ps o Pantawid Pamilyang Pilipino Program.

Ito’y kasunod narin ng ilang ulat na nakikinabang sa cash gift ng gobyerno ang ilang mga indibwal na hindi naman tunay na mahihirap.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, nagkasundo sila ng DSWD na tutulong ang ahensiya para salain ang mga nakikinabang sa 4Ps.

Sa pamamagitan ng listahan ay makatitiyak ang publiko na totoong mahihirap at nangangailangang pamilya ang mabibigyan ng tulong.

0 comment

Related Posts