DICT target na dagdagan pa ang telco player sa bansa

DICT target na dagdagan pa ang telco player sa bansa

by Powered by DWIZ
0 comment 25 views

Target ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na dagdagan pa ang telecommunications player sa bansa.

Matatandaang tatlo na ang telco sa bansa simula nang payagan ng gobyerno ang pagpasok ng Mislatel Consortium.

Ayon kay DICT Secretary Gregorio Honasan, ang pagkakaroon ng ikaapat o ika-limang telco player ay magbibigay ng mas mura at mabisang serbisyo sa mga Pilipino.

Naniniwala si Honasan na maisusulong ito at magiging posible sa tamang panahon.

0 comment

Related Posts