‘Di magandang kultura sa hanay ng PNP sinita ni Gordon

‘Di magandang kultura sa hanay ng PNP sinita ni Gordon

by Powered by DWIZ
0 comment 31 views

Pinangaralan ni Senador Richard Gordon si Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Oscar Albayalde hinggil sa hindi magandang kultura sa hanay ng pulisya.

Ito ang binigyang diin ni Gordon sa ikinasang pagdinig ng Senado ukol sa isyu ng ‘ninja cops’ o ang mga pulis na sangkot sa illegal drugs.

Ayon kay Gordon, dapat na i-apela ni Albayalde ang ipinataw sa kaniyang administrative relief gayong patuloy naman nitong sinasabi na wala siyang alam at kinalaman sa ma-anomalyang drug operation na ikinasa ng kaniyang labing tatlong tauhan.

I do not believe in any police, military organization that anybody can just be relieved and not be able to appeal his relief. Maybe it’s tradition in your part, it’s bad tradition,” ani Gordon.

Paliwanag ni Albayalde, tradisyon na nila na huwag kuwestiyunin ang mga ipinapataw na parusa sa kanila.

You can never make a motion, you just follow order,” ani Albayalde.

Kasabay nito, sinabi rin ni Albayalde na alam ni Senador Panfilo “Ping” Lacson ang ganitong sistema sa PNP.

Kultura na po yan sa military at police, we never question bakit kami na-relieve. Tinatanong na lang namin yung sarili namin,” ani Lacson.

0 comment

Related Posts