Unang Committee Hearing Sa Sangguniang Panlalawigan, Sentro Sa Investment Code Sa Munisipyo Sa San Francisco
January 14, 2019
Congress Approves Creation Of Davao Airport Authority
January 14, 2019
Show all

DFA: Walang Pinoy ang nasaktan sa pagsabog sa Paris, France

Walang Pilipino nasaktan sa naganap na pagsabog sa isang bakery sa Paris, France.

Ayon sa ito sa Department of Foreign Affairs o DFA matapos mag report ang embahada ng bansa sa Paris, kasunod na rin nang pakikipag-ugnayan sa French ministry of Foreign Affairs.

Kasabay nito ang pagpapaabot nang pakikiramay ng DFA sa pamilya ng tatlong nasawi gayundin sa halos 50 nasugatan sa pagsabog.

Pinaniniwalang nag ugat sa gas leak ang dahilan ng nasabing pagsabog.

Ipinabatid ng DFA na tinatayang 25,000 Pinoy ang nasa France at malaking bilang dito ay nakatira sa Paris.

Comments are closed.