Hirit nina Andaya at Napoles kaugnay sa Malampaya Fund Scam ibinasura ng Sandiganbayan
January 14, 2019
Yasay hindi kumbinsido na ang dating kontraktor ang nagnakaw sa passport renewal system informations
January 14, 2019
Show all

DFA Sec Locsin nilinaw na wala pang information leak

Nilinaw ni Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin na “wala pa namang information leak” sa gitna ng issue ng passport data breach.

Ito ang inihayag ng kalihim sa kanyang tweet bilang tugon sa reaksyon ng isang netizen na   isang kumpanyang naka-base sa France ang may hawak sa passport information na may mahigpit umanong privacy laws.

Gayunman, aminado si Locsin na  posibleng “corrupted” at hindi na ma-access ang datos ng mga passport holder makaraang tangayin umano ang kanilang mga impormasyon ng dating passport manufacturer ng DFA

Samantala, tiniyak naman ng DFA secretary na kanyang huhubaran ang mga responsable sa passport data breach.

Comments are closed.