DFA nakikipagtulungan sa Bahrain at Nigeria para labanan ang ‘human trafficking’

DFA nakikipagtulungan sa Bahrain at Nigeria para labanan ang ‘human trafficking’

by Powered by DWIZ
0 comment 39 views

Ipinagmalaki ng Department of Foreign Affairs ang kanilang pakikipagtulungan sa bansang Bahrain at Nigeria para labanan ang human trafficking.

Ayon kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., sinimulan na nila ang pagkausap sa mga ahensya ng pamahalaan ng Pilipinas at 2 nabanggit na bansa hinggil sa naturang kampaniya.

Aniya, ‘whole of society approach’ ang kanilang gagamitin upang tuluyan nang mapuksa ang human trafficking sa bansa.

Matatandaang noong 74th session ng U.N. General assembly ay nagsagawa ng forum ang Pilipinas, Bahrain at Nigeria na tumalakay sa human trafficking sa buong mundo.

0 comment

Related Posts