‘Descendants of the Sun’ couple Song Joong Ki at Song Hye Kyo hiwalay na

by Powered by DWIZ
0 comment
‘Descendants of the Sun’ couple Song Joong Ki at Song Hye Kyo hiwalay na

Malungkot na balita para sa fans ng Korean superstars na Song-Song couple na nakilala sa Koreanobelang ‘Descendants of the Sun’.

Ito ay dahil naghiwalay na ang Song-Song couple o sina Song Joong Ki at Song Hye Kyo.

Mismong si Joong Ki ang nagbigay ng kumpirmasyon kaugnay ng kanyang paghahain ng divorce sa Seoul Family Court.

Sa ipinalabas na pahayag ni Song Joong Ki, humingi ito ng paumanhin sa kaniyang mga fans dahil sa pangyayari.

Gayundin ng pang-unawa sa gitna ng nararanasang pagsubok sa buhay.

Hindi naman idinetalye ng Korean actor ang naging dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Ikinasal sina Song Joong Ki at Song Hye Kyo noong 2017 matapos magsama sa sikat na Korean T.V. drama na Descendants of the Sun noong 2016.

Related Posts