3 pang arrest warrant laban kay Kenneth Dong isinilbi ng NBI
February 12, 2019
Pangulong Duterte walang schedule ngayong araw na pagsisimula ng kampanya
February 12, 2019
Show all

Deportation case laban sa Chinese national inirekomenda ng BI

Inirekomenda ng BI o Bureau of Immigration legal division ang paghahain ng deportation case laban sa babaeng Chinese na sangkot sa pagsaboy ng taho sa nakatalagang pulis sa Boni Station ng MRT noong Sabado.

Ayon kay Immigration Spokesperson Dana Sandoval, may batayan ang pagsasampa ng kaso laban sa Chinese na si Zhang Jiale para ipatapon ito palabas ng bansa.

Paliwanag ni Sandoval, maaaring moto propio case o kahit walang complainant ang kanilang ihahain lalo’t may mga larawan na nagpapakita ng insidente.

Una nang sinabi ni Immigration Chief Jaime Morente na nagpakita ng pagsuway at kayabangan si zhang sa isang opisyal at hindi ito mapapalagpas ng ahensiya.

Comments are closed.