FDI umakyat na sa 31% — BSP
November 13, 2018
Maynilad magpapatupad ng taas singil sa tubig ngayong buwan
November 13, 2018
Show all

DepEd palalakasin ang pagtuturo ng Filipino at panitikan sa K to 12

Mas palalakasin pa ng Department of Education (DepEd) ang pagtuturo ng Filipino at panitikan bilang bahagi ng basic education sa ilalim ng K to 12 program.

Ito ang tiniyak ng DepEd kasunod ng naging pasiya ng Korte Suprema na alisin na ang temporary restraining order sa kautusan ng Commission on Higher Education (CHED) na nagtatanggal sa Filipino at panitikan bilang core subject sa kolehiyo.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, hindi maaaring basta na lamang isantabi ang mga nasabing asignatura dahil nagpapaalala aniya ang mga ito ng pagiging Filipino.

Binigyang diin ni Briones na kahit alisin na ang Filipino at panitikan sa curriculum sa kolehiyo, mananatili pa rin ang mga ito sa basic education kabilang na sa senior high school partikular sa liberal education at social science.

Comments are closed.