29.8 C
Manila
Friday, March 29, 2024

DepEd handa sa anumang imbestigasyon

- Advertisement -

Nakahanda ang Department of Education (DepEd) na sumailalim sa anumang uri ng imbestigasyon hinggil sa anomalyang kinasasangkutan nito.

Ito ay kaugnay ng report ng Commission on Audit (COA) kung saan nakasaad na aabot sa 100 milyong piso ang halaga ng mga hindi nagamit na textbooks para sa mga pampublikong paaralan na itinambak lamang ng DepEd sa mga warehouse.

Sa pormal na statement na inilabas ng DepEd, tiniyak nito na welcome sa kanilang kagawaran na sagutin ang lahat ng isyu na kinasasangkutan nito.

Una rito, sinabi naman ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na buo pa rin ang tiwala ni Pang. Rodrigo Duterte kay DepEd Sec. Leonor Briones, at kumpiyansa na kumikilos na ito upang pigilan ang anumang anomalya sa kagawaran ng edukasyon.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -