Radio Philippines Network
National News

Delay sa installation ng bagong power plants sa Luzon pinaiimbestigahan

Pinaiimbestigahan na sa Kamara ng ilang mambabatas ang sinasabing delay sa installation ng mga bagong power plant sa Luzon.

Ayon kay Deputy Minority leader Luis Campos, ihahain nila ang resolusyon upang imbestigahan ang mabagal na pagtatayo ng mga bagong power plant sa unang araw ng 18th congress sa Hulyo 1.

Aniya, kailangang silipin ng Kamara ang regulatory issues na nagiging dahilan ng pagka-udlot sa konstruksyon ng mga dagdag na power plant.

Kasabay nito, iginiit naman ni Campos na makatutulong ang mga naturang power plant upang maagapan ang energy shortage sa bansa at upang matiyak ang 6.5% na economic growth para sa taong ito.

Related posts

COVID-19 testing center ng Marikina pinuri ni Duque

Powered by DWIZ

Philippine Arena, NCC, planong gawing mega quarantine facility ng BCDA

Powered by DWIZ

Residente ng Muslim town sa Quiapo pinagbantaang babarilin ng isang Pulis-Maynila

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More