29.5 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Death toll sa pag-atake ng 2 mosque sa New Zealand tumaas

- Advertisement -

Sumampa na sa limampu ang bilang ng mga nasawi sa nangyaring pag-atake sa mga mosque sa Christchurch, New Zealand.

Ito’y ayon kay New Zealand Police Commissioner Mike Bush.

36 na biktima naman ang nananatili pa rin sa ospital at dalawa sa mga ito ay nasa kritikal na kalagayan.

Samantala, dalawa pang suspek ang inaresto kasabay ng pag-aresto sa suspek na si Brenton Harrison Tarrant na isinailalim na sa arraignment.

Pinalaya naman ang isa sa mga inarestong suspek habang ang isa pa ay sinampahan na ng kasong murder.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -