33 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Death threat kay Pangulong Duterte bineberipika na ng PNP

- Advertisement -

Biniberipika na ng PNP ang umano’y banta sa buhay ni Pangulong Rodrigo Duterte gayundin ang sinasabing plano ng mga retirado at aktibong military at police officials na patalsikin sa pwesto ang pangulo.

Ipinabatid ito ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde dahil kailangan aniyang kumpirmahin nila ang mga nasabing report sa kanilang source sa intelligence community.

Tiniyak ni Albayalde na sini seryoso nila ang seguridad ng pangulo na patuloy namang mahigpit na binabantayan ng presidential security group.

Una nang inihayag ng pangulo na nais ng CIA o Central Intelligence Agency ng Amerika na siya ay mapatay habang tinututukan din aniya siya ng Russia, China, Israel at Indonesia.

Lumutang naman ang pagkakasa umano sa Duterte ouster sa buwan ng Oktubre.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -