Deadline sa paghahain ng SOCE ipinaalala – COMELEC

Deadline sa paghahain ng SOCE ipinaalala – COMELEC

by Powered by DWIZ
0 comment 82 views

Nagpaalala ang Commission on Elections (COMELEC) na hanggang ngayong araw na lamang maaring maghain ng statements of contributions and expenditures (SOCE) ang lahat ng kandidato at political parties nitong May 13 midterm elections.

Ayon kay COMELEC spokesman James Jimenez, obligado na maghain ng SOCE ang lahat ng kumandidato, nanalo man o hindi batay sa Republic Act 7166.

Aniya, ang mga posisyon ng elected candidate na bigong maghain ng SOCE bay ikokonsiderang bakante hanggang sa makapagsumite siya sa loob ng anim na buwan matapos ang proklamasyon at kung hindi ay pupunan ng iba ang kanyang pwesto.

Pagmumultahin naman ang mga late filers maging ito ay para sa national o local position.

0 comment

Related Posts