Radio Philippines Network
Headlines National News

Deadline sa paghahain ng SOCE ipinaalala – COMELEC

Nagpaalala ang Commission on Elections (COMELEC) na hanggang ngayong araw na lamang maaring maghain ng statements of contributions and expenditures (SOCE) ang lahat ng kandidato at political parties nitong May 13 midterm elections.

Ayon kay COMELEC spokesman James Jimenez, obligado na maghain ng SOCE ang lahat ng kumandidato, nanalo man o hindi batay sa Republic Act 7166.

Aniya, ang mga posisyon ng elected candidate na bigong maghain ng SOCE bay ikokonsiderang bakante hanggang sa makapagsumite siya sa loob ng anim na buwan matapos ang proklamasyon at kung hindi ay pupunan ng iba ang kanyang pwesto.

Pagmumultahin naman ang mga late filers maging ito ay para sa national o local position.

Related posts

Metro Manila Mayors mayroong 3 scenario na nais irekomenda sa IATF pagkatapos ng May 15

Powered by DWIZ

Tatlong abogado na inaresto sa Makati bar raid nakalaya na

Powered by DWIZ

Mga OFW hindi na obligado magbayad ng premium contribution sa PhilHealth

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More