DBM nilinaw na magbibigay pa rin sa mga kawani ng gobyerno ng dagdag sahod

by Powered by DWIZ
0 comment
DBM nilinaw na magbibigay pa rin sa mga kawani ng gobyerno ng dagdag sahod

Nilinaw ng Department of Budget and Management o DBM na maibibigay pa rin sa mga kawani ng gobyerno ang dagdag sa kanilang sweldo.

Ito’y kahit pa gamitin ang reenacted budget ngayong taon bunsod ng pagkabinbin ng panukalang 2019 national budget.

Paliwanag ni DBM Officer in Charge Janet Abuel, kailangan lamang ng executive order ng pangulo para mailabas ng kagawaran ang fourth tranche ng salary increase sa mga tauhan ng pamahalaan.

Natural lang kasi aniya na kapusin ang pondo kung gagamitin para rin ang kahalintulad na pondo nuong 2018 kaya’t dito papasok ang eo ng pangulo para sa kaukulang dagdag na pondo.

Sa ilalim ng fourth tranche ng salary standardization, mangangailangan ang dbm ng dagdag na apatnapu (40) hanggang limampung (50) bilyong piso ngayong taon para makaagapay sa dagdag sahod na ipagkakaloob sa lahat ng mga kawani ng pamahalaan.

Related Posts