31.3 C
Manila
Tuesday, April 23, 2024

DBM Chief Diokno handang sagutin ang show cause order ng Kamara

- Advertisement -

Ipinagkibit-balikat lamang ni Budget Secretary Benjamin Diokno ang show cause order ng House of Representatives laban sa kanya.

Ayon kay Diokno, nakahanda naman siyang sagutin ang show cause order sakaling makarating ito sa kanya.

Hindi naman aniya maituturing na pang-iisnab ang hindi niya pagdalo sa pagdinig ng Kamara dahil nagpadala naman siya ng kanyang kinatawan.

Binigyang diin ni Diokno na marami siyang inaasikaso bilang Budget Secretary na matagal nang nakalatag bago pa man ang ipinatawag na pagdinig ng Kamara.

Una nang nagbanta ang mga kongresista na i-cite for contempt si Diokno dahil sa kabiguang dumalo sa pagdinig na may kaugnayan sa mga di umano’y anomalyang nakita sa panukalang 2019 national budget.

—-

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -