Davao: Vice President Sara Duterte nanguna sa pagdiriwang National Heroes’ Day sa lungsod

0
0

Pinangunahan ni Vice President Sara Duterte-Carpio ang pagdiriwang sa National Heroes’ Day ngayong araw kasama si Davao City Vice Mayor Melchor Quitain Jr.

Visit RPN DXKT Davao

Nanawagan si Vice Mayor Quitain sa mga indibidwal na huwag kalimutan ipagdiwang ang mga bayaning nagbuwis ng buhay para makuha natin ang kalayaan.

Dagdag pa nito, dapat din nating bigyan ng pugay ang mga “modern heroes” katulad ng mga frontliners, mga ina, at kahit na sinong may ginawang kabutihan sa lipunan.

Sa modernong panahon, merong ipinagawang mga monumento sa mga bayani upang ipa-alala sa mga kabataan ang magandang nagawa ng ating mga bayani sa ating bansa.

Isa sa mga ugaling dapat tularan, dapat tulungan din ang ibang tao, hindi lamang sa panahon ng pangangailangan ngunit sa anong oras at hindi kinakailangan ang pagiging makasarili.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here