Davao: Seat belt law ipapatupad ng LTO

0
0

Isusulong ang pagpapatupad ng Land Transportation Office Republic Act No. 8750 o Seat Belt Law sa lahat ng pampubliko at pribadong sasakyan.

Visit RPN DXKT Davao

Ang lahat ng pasahero na sasakay sa harapan o front row ng sasakyan sa mga pampublikong daan ay kinakailangan na magsuot ng seat belt.

Kung ang pasahero ay may pisikal na rason, hindi na kinakailangan pang magsuot ng seat belt. Kinakailangan lamang ipakita ang medical certificate na nagpapakita na mayroong depirensya sa pisikal na katawan at di na kinakailangan pang magsuot ng seat belt.

Ang mga batang nasa edad 6 taong gulang pababa ay hindi aprubadong sasakay sa front seat.

Ang lalabag sa batas ay magbabayad ng mga sumusunod:

First Offense – One thousand pesos (Php 1,000.00)

Second Offense – Two thousand pesos (Php 2,000.00)

Third Offense – Five thousand pesos (Php 5,000.00) plus one (1) week suspension of driver’s license counting from the payment of fine.

Kung lalabag din ang drayber o hindi pasusuotin ang kaniyang pasahero, maari siyang mag bayad ng ₱ 3,000.

(Source: LTO Davao)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here