Davao: Patay na katawan nakitang palutang-lutang sa dagat

0
0

Kinuha na ng Rivera Funeral Homes sa Licanan, Lasang, Davao City ang bangkay na katawan na nakita ng tatlong residente pasado alas 10 ng umaga kahapon, Agosto 31, 2022 habang palutang-lutang sa dalampasigan ng Centro Agdao, Davao City.

Visit RPN DXKT Davao

Nakita ng mga saksi ang sakong nakalutang na may lamang nakatali at naka packing tape na bangkay. Kaagad nila itong nireport sa pinakamalapit na barangay hall at sa coast guard.

Nadiskubrihan din ang katawan ng biktima na may plaque’ng nakasulat na “DAVAO CITY, HOLD-UPER KO UG PANEL”.

Agad na ipinaratung sa SOCO Team galing sa PNP Forensic Group upang magsagawa ng imbestigasyon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here