32.3 C
Manila
Friday, October 7, 2022

Davao: Pagtaas sa electric bill ng mga taga-Davao city

- Advertisement -

Ang pagtaas sa presyo ng gasolina sa World Market ang naging rason sa pagtaas ng electric bill ng mga residente ng Davao City nitong nagdaang buwan ng Hunyo at Hulyo base sa ginawang paliwanag ng Davao Light and Power Co., Inc., sa kanilang mga customers.

Sa pahayag na ipinalabas ni Davao Light President at Cheir Operating Officer Rodger Velasco na imported ang mga fuel na kanilang ginagamit sa kuryente na naging dahilan sa pagtaas ng P11.1 per kilowatt-hour ang singil sa buwan ng Hunyo at P11.6 sa buwan ng Hulyo.

Dagdag pa ni Velasco na ang 50% na source ng kuryente ay binibili ng Davao Light galing sa non-renewable source kagaya ng diesel at coal.

Ngunit mananatili paring walang pagbabago ang distribution charge sa average na P1.4257 per kilowatt-hour na aprobado ng Energy Regulatory Commission (ERC).

At galing nitong 2013, walang ginawang pagtaas ang Davao Light sa kanilang distribution charge.

(Source: Davao Light and Power Co., Inc.)

- Advertisement -

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -