Davao Occidental at La Union niyanig ng lindol

0
55

Magkahiwalay na niyanig ng lindol ang mga lalawigan ng La Union at Davao Occidental kaninang madaling araw.

Ayon sa PHIVOLCS, niyanig ng magnitude 3.7 na lindol ang Davao Occidental kaninang 1:56 ng madaling araw.

Naitala ang epicenter nito sa layong 58 kilometro kanluran ng Sarangani.

Habang niyanig naman ng magnitude 3.3 na lindol ang La Union kaninag alas 3:07 ng madaling araw.

Naitala ang epicenter nito sa layong apat na kilometro kanluran ng Bauang at may lalim na 66 na kilometro.

Wala namang inaasahang pinsala sa mga ari-arian ang dalawang pagyanig.