27.2 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Davao: Mga armas nakumpiska sa ginawang search warrant

- Advertisement -

Nakumpiska sa tulong ng Mati City Police Station kasama ang RSOG/RPDEU XI ang mga armas sa isinagawang Search Warrant sa Purok 2, Sitio Magum, Barangay Macambol, alas 6:00 ng umaga, Septyembre 15, 2022.

Visit RPN DXKT Davao

Kung saan nahuli ang dalawang mga indibidwal na kinilala ni PLt. Col. Ernesto Gregore na sina Roldan Garing alyas “Tigtig”, 47 taong gulang, magsasaka at residente sa naturang lugar at si Sonny Boy Comapon 42 taong gulang.

Nakumpiska sa otoridad ang isang Cal 22 rifle, limang mga improvised rifle, isang Remington shotgun, 52 na mga bala sa 12 gauge shotgun, isang ka scb-8 portable safe na nakuha sa possession ni alyas “Tigtig”.

Habang nakumpiska din sa possesion ni Comapon ang isang improvised rifle, isang airsoft rifle, isang .45 caliber colt pistol, 15 na mga bala sa .45 caliber, apat na mga bala sa 12 gauge shotgun, dalawang .45 caliber steel magazine, isang holster at isang tactical brown sling bag.

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -