Davao: Halos sa 1.1 million na mga estudyante sa Davao region handa na sa balik eskwela ngayong araw

0
1

Handa na ang halos 1.1 million na mga estudyante sa pampublikong paaralan para sa unang araw ng balik-eskwela ngayong araw, Agosto 22, 2022.

Visit RPN DXKT Davao

Handa din ang mga paaralan matapos ang ilang araw na paghahanda sa pamamagitan ng Brigada Eskwela.

Ayon kay DepEd XI director Allan Farnazo, sinisiguro nila ang malinis at higpit na siguridad sa buong rehiyon, kasama na dito ang health protocol na dapat sundin katulad ng pagsuot ng facemask at handwashing.

Pinaka marami sa mga nag-enroll ay nasa Davao City kung saan umabot sa 405,000.

Ngunit 82% lamang ito kumpara sa 1.3 million na mga enrollees sa nakaraang dalawang taon.

(Source: DepEd XI)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here