28.9 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Davao: Driver arestado sa pagbebenta ng illegal na droga

- Advertisement -

Matagumpay na nahuli ng mga operatiba ng Sasa Police Station, 1105th MC RMFB11, Davao City Maritime Police, Technical Support Company, CIT at CMFC sa kilometer 11, Sasa, Davao City sa ginawang drug buy-bust operation kahapon ng madaling araw, Setyembre 12, 2022 ang isang drayber na arestado sa pagbebenta ng illegal na droga.

Kinilala sa Sasa Police Station ang suspek na si Alvin Parajan Abdul, alyas “Alvin” 31 taong gulang at residente sa Nella Village, Kilometer 11, Sasa nitong lungsod.

Nakumpiska ng mga pulis sa ginawang operasyon ang isang sachet na naglalaman ng illegal na droga at may street value na 1,000 pesos, cellphone at coin purse.

Nakakulong ngayon ang suspek sa Sasa Police Station at haharap sa kaso ng kaniyang paglabag.

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -