Davao City Columnist na biktima ng mistaken identity nagpa planong balikan ang PNP

by Powered by DWIZ
0 comment
Davao City Columnist na biktima ng mistaken identity nagpa planong balikan ang PNP

Pinag aaralan ng kampo ni Davao Based Columnist Margarita Valle ang pagsasampa ng kaso laban sa mga pulis na humuli sa kanya matapos siyang pagkamalan nitong nakalipas na weekend sa airport sa Misamis Oriental.

Ayon kay Atty. Kathy Panguban, abogado ni Valle, paglabag sa karapatang pantao ng kolumnista ang ginawa ng mga otoridad.

Si Valle ay pinalaya din matapos mapatunayang isa itong mistaken identity o nagkamali ang mga pulis nang mapagkamalan siyang isang Elsa Renton na may mga alias na ‘Tina Maglaya’ at ‘Fidelina Margarita Valle.’

Humingi na rin ng paumanhin si Police Col. Tom Tuzon, hepe ng CIDG Regional Field Unit 9 kay Valle dahil sa nasabing mistaken arrest.

Related Posts