28.6 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Davao: Ama, Sinakal-Patay ang Dalawang Anak Bago Patayin ang Kanyang Sarili

- Advertisement -

Davao City- Depresyon umano ang naging sanhi nang pagpatay ng isang ama sa kaniyang dalawang anak bago patayin ang kanyang sarili alas 12:30 ng hapon kahapon, Pebrero 20, 2022 sa Door 4, Purok 10-B, Washington St., Brgy. 39-D, Davao City.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng mga awtoridad, nagtaka ang mga kapitbahay ng biktima na tanghali na at hindi pa lumalabas ang mga bata pati na rin ang ama nito. Nag-alala sila kaya pinuntahan nila ang bahay para tingnan ang mga biktima. Laking gulat nila nang makitang duguan at wala ng buhay ang mga bata kasama na ang ama nito.

Ang mga biktima kinilala na sina alyas “Paj”, 56 anyos, trisikad drayber at ang dalawa nitong anak na sina John, 8 anyos at Jessa, 9 anyos.

Sa mga nakaraang araw, napansin ng mga kapitbahay na tila nagdadalamhati ang ama matapos iniwan ng kanyang live-in partner na ina rin ng kanyang dalawang anak.

Bukod sa natagpuang kitchen knife ay narekober din ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang iniwang limang (5) pahina na suicide note ng ama.

(Source: PRO XI)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -