Hustisya para sa pagkamatay ni Judge Pintac ng Ozamiz RTC ipinanawagan
October 9, 2018
Duterte ipinabatid na siya ay ‘clear of cancer’
October 9, 2018
Show all

DXDX GenSan
Datus ng mga lumabag sa batas sa buong rehiyon, inilabas ng PRO12

Inilabas na ng Police Region Office 12 sa pamamagitan ni PSupt. Aldrin Gonzales ang RPIO ng ahensya ang panibagong datus na kanilang naitala simula noong September 5- ngayong buwan taong kasalukuyan kung saan umabot na sa 140 ang mga naarestong lumabag sa Republic act 9165 (Comprehensive Anti-Illegal Drugs Law) at 3,934 naman ang mga nabigyan ng Traffic citation tickets na mga motorist ng mga lugar sa rehiyon at ang nabanggit na bilang ay resulta sa kanilang Oplan Kapanalig.

 

Sa isinagawang sunud-sunod na drug operation ng awtoridad umabot na sa 140 ang bilang ng naaresto , 311 ang bilang ng nakumpiskang items at 18 ang mga naitalang namatay sa kasagsagan ng operasyon. Nasa 3,934 na mga motorista ang nabigyan ng traffic citation tickets na lumabag naman City and Municipal Traffic Ordinance, nasa 352 ang lumabag sa anti-open pipe law, 362 motorsiklong walang prangkisa o expire ang prangkisa, 1,915 na mga single motorcycle na walang lisensya o expire ang lisensya at 128 na four wheeled vehicle na lumabag sa batas trapiko.

 

Nasa 276 na mga wanted persons ang naaresto ng pulisyaat 442 naman ang nakuha o nakumpiskang loose firearms sa nabanggit na panahon, samantala nasa 97 writs ang naipalabas ng awtoridad, 6, 809 ang nagawang check point operation sa buong rehiyon, 10, 396 beat patrol, 10,055 foot patrol, 2,636 anti-crime operations, 166 ang nahuli sa iligal na pagsusugal, 478 Curfew Minor Violators kung saan 68 dito ang nasa kustodiya ng City Social Welfare and Development, at 85 ang naitalang lumabag sa environmental laws.

 

Inihayag rin ng awtoridad na ang nasabing Oplan Kapanalig ay mananatili at magpapatuloy kung saan mas pinalakas pa ito dahil sa magiging papel at koordinasyon ng mga local government unit ng bawat syudad, munisipalidad, at law enforcement agencies ito ay upang malimitahan, maiwasan at makontrol ang kriminalidad at upang mapanitili ang Peace and Order sa SOCCSKSARGEN.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *