2nd day filing ng COC naging matumal
October 12, 2018
Sagupaan ng magkapatid na Binay sa Makati wala pang katiyakan
October 12, 2018
Show all

Dating VM Moreno tatakbo sa pagka-alkalde ng Maynila  

Babanggain ni dating Manila Vice Mayor Isko Moreno si Manila Mayor Joseph Estrada.

Nagbitiw na bilang undersecretary ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) si Moreno upang tumakbong alkalde ng Maynila.

Ayon kay Moreno, panahon na upang magmula naman sa kabataan ang mamuno sa Maynila upang maibalik ang aniya’y nawalang ningning ng syudad.

Mala fiesta ang paghahain ng certificate of candidacy (COC) ni Moreno kasama ang kanyang mga supporters na may dala pang banda.

Si Moreno ay nagsilbing vice mayor ni Estrada nuong 2013 bago tumakbong senador subalit hindi pinalad nuong 2016.

Comments are closed.