Dating vice mayor ng Maguindanao patay sa pamamaril

0
55

Patay ang isang dating bise – alkalde ng Sultan Sabarongis sa Maguindanao matapos pagbabarilin sa Tacurong City sa Sultan Kudarat.

Nakilala ang biktima na si Datu Roger Lagawan Mamalo, 63 taong gulang.

Batay sa imbestigasyon ng Tacurong PNP, hinarang ng mga hindi pa nakikilalang salarin ang biktima habang lulan ito ng kanyang sasakyan at saka ito pinagbabaril.

Agad namang nakatakas ang mga salarin na sakay ng dalawang motorsiklo.

Naisugod pa sa pagamutan si mamalo ngunit hindi na ito umabot ng buhay matapos magtamo ng apat na tama ng bala sa kanyang katawan.

Sa ngayon ay blangko pa ang pulisya kung sino ang nasa likod at ano ang motibo sa naturang krimen.