28.2 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Dating First Lady Imelda Marcos no show sa Kamara

- Advertisement -

No show si dating first lady ngayo’y Ilocos Congresswoman Imelda Marcos sa pagbabalik sesyon ng Kongreso kahapon.

Ayon sa staff ng dating first lady sa Kamara, hindi nagpakita rito si Ginang Marcos subalit may iba itong aktibidad sa labas ng Kamara.

Hindi rin sumipot ang dating unang ginang kahit sa plenaryo.

Nananatiling tikom ang bibig ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo sa hatol ng Sandiganbayan kay Marcos.

Sinabi ni House Majority Leader Rolando Andaya na irerespeto at susundin nila ang pasya ng anti-graft sa usapin.

Inihayag naman ni House Minority Leader Danilo Suarez na dapat nang mag move on ang lahat sa kaso ng dating unang ginang.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -