Dating DOT Sec. Wanda Teo, malinis daw ang konsensya

0
62

Nanindigan si dating Tourism Secretary Wanda Teo na malinis ang kaniyang konsensya at walang tinatago.

Ito ay matapos na madiskuibre ng Commission on Audit  (COA) ang ilang mga kwestiyonableng transaksyon nuong siya ay kalihim pa ng DOT.

Tiniyak na din ni TEO na handa siyang harapin at sagutin ang anomang kasa na isasampa laban sa kaniya.

Ilan sa mga kinukwestiyon ng COA ay ang mahigit na dalawang Bilyong Pisong halaga ng transaksyon ng kagawaran sa ilalim ng pamumuno ni Teo.

Kabilang na rito ang kontrobersiyal na TV ad placement sa programa sa PTV 4 ng kapatid ni Teo na si Ben Tulfo.