28.5 C
Manila
Wednesday, April 17, 2024

Dating DA Sec Alcala sinampahan ng kasong graft

- Advertisement -

Sinampahan ng kasong graft o katiwalian ng tanggapan ng Ombudsman si dating agriculture secretary Proceso Alcala.

Kaugnay ito ng umano’y monopolya sa suplay ng bawang na dahilan ng pagsirit ng presyo nito noong 2014.

Kasama rin sa mga kinasuhan sina Bureau of Plant Industry Director Clarito Barron, mga division chief na sina Luben Marasigan at Merle Palacpacm.

Gayundin, ang pribadong mangangalakal na si Lilia Cruz alyas ‘Lea Cruz’ na chairman at ng VIEVA o Vegetable Importers, Exporters, Vendors Association of the Philippines.

Ayon sa Ombudsman, binuo ni Alcala ang national garlic action team na nakapagbigay daan para makakuha si Cruz ng ilang mahahalagang impormasyon na nagresulta para mas mabilis na makakuha ng permit sa pag-aangkat ang grupo nito at makapagdikta ng presyo ng bawang sa merkado.

Dagdag ng Ombudsman, nakuha ng VIEVA ang 5,022 sa mahigit 8,800 import permits na ipinalabas ng D.A noong 2014.

Nagresulta anila ito sa pagtaas ng presyo ng mga imported na bawang sa 400 pesos mula sa 260 pesos kada kilo noong Enero hanggang Hulyo ng 2014.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -