Dating child actor arestado sa drug buy bust sa QC

0
47

Arestado ang isang dating child star sa isinagawang drug buy bust operation sa Tandang Sora, Quezon City.

Nakilala ang suspek na si CJ Ramos, residente sa nasabing lungsod.

Ayon sa report ng pulisya, nahuli sa akto na bumibili ng shabu si CJ sa isang convenience store.

Kasama rin ni CJ na nahuli ang drug pusher na pinagbilhan nito ng shabu.

Umamin naman ang dating child actor na gumagamit siya ng iligal na droga kung saan nagsimula siya sampung (10) taon na ang nakalipas.

Humingi naman ng paumanhin si CJ sa kanyang ina at nangakong magbabagong-buhay kapag nalagpasan niya ito.

Si CJ ay naging bahagi ng dating youth-oriented show na “Ang TV” at pelikulang Tanging Yaman.

 (Ulat ni Jill Resontoc)