33.8 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Daraga Mayor Baldo idineklarang wanted

- Advertisement -

Idineklara ng “wanted” ng pulisya si Daraga Mayor Carlwyn Baldo.

Ito ay matapos mabigo ang mga otoridad na maisilbi sa alkalde ang warrant of arrest para sa kasong double murder at anim na bilang ng attempted murder.

Ayon kay Daraga Police Chief Lt. Col. Rodelon Betita, ang kabiguang mahanap at maaresto si Baldo ang dahilan para mapabilang ito sa listahan ng mga wanted o nagtatagong tao.

Kaugnay nito, tiniyak naman ni Betita na patuloy nilang minomonitor ang mga lugar na posibleng pinagtataguan ni Baldo.

Matatandaang si Baldo, ang itinuturong utak sa pagpatay kay Ako Bicol Party-list Rep. Rodel Batocabe at sa police aide nitong si SPO2 Orlando Diaz noong Disyembre 2018.

—–
- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -