‘Dani Girl’ sagot sa pagpapalakas ng turismo sa bansa

‘Dani Girl’ sagot sa pagpapalakas ng turismo sa bansa

by Powered by DWIZ
0 comment 133 views

Ang nag-trending na si Dimples Romana also known as ‘Dani Girl’ ang bagong makatutulong ng Department of Tourism (DOT) sa kampanya nito para mapalakas ang turismo ng bansa.

Kasunod ito ng pagtrending ng larawan ni ‘Dani Girl’ na makikita sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas.

Ayon kay Dimples, excited siyang makipagtulungan sa DOT upang maipromote ang mga hindi masyadong sikat na destinasyon sa ating bansa.

Bilang art enthusiast at self-confessed museum lover ay nais din ni Dimples na impluwensiyahan ang publiko na bisitahin ang mga musuem at heritage sites.

Una nang binisita ni Dimples si Tourism secretary Bernadette Romulo-Puyat para ipahayag ang kanyang interes na tumulong sa ahensiya.

0 comment

Related Posts