31.2 C
Manila
Saturday, May 21, 2022

Daanbantayan Cebu Mayor Vicente Loot nangangamba na sa kaligtasan

- Advertisement -
Ad Banner 600×60

Nangangamba na para sa kanyang kaligtasan ang isa sa mga ‘narco-general’ na si retired PNP Chief Superintendent Vicente Loot na ngayo’y alkalde ng Daanbantayan, Cebu.

Ayon kay Senior Inspector Adrian Nalua, Hepe ng Daanbantayan Municipal Police, nakatanggap sila ng sumbong mula kay Loot kaugnay sa ilang kahina-hinalang lalaking umaaligid malapit sa kanyang bahay.

Ipinagbigay-alam aniya kay Loot ng mga kasambahay nito ang presensya ng ilang hindi kilalang lalaking lulan ng mga motorsiklo.

Magugunitang humiling si Loot sa pulisya ng police escorts matapos siyang tambangan at kanyang pamilya ng mga hindi nakilalang salarin sa New Maya Port, noong Mayo 13 kung saan nasugatan ang kanyang driver at kasambahay.

—-

 

 

Ad Banner 600×60
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
Ad Banner 320×320

SURVEY QUESTION OF THE WEEK

Kailangan bang may malawak na karanasan at mataas na pinag aralan ang mga tatakbo sa pagka Presidente at Bise Presidente? Oo o Hindi?

Ad Banner 320×60
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -