Daan-daang miyembro ng Islamic State sumuko na sa Syrian Forces

by Powered by DWIZ
0 comment
Daan-daang miyembro ng Islamic State sumuko na sa Syrian Forces

Daan-daang miyembro ng Islamic State at kanilang pamilya ang sumuko sa tropa ng Syrian Democratic Forces sa harap ng inaasahang pagtatapos ng digmaan sa Syria.

Resulta ito ng ginawang huling pag-atake ng Syrian Forces sa huling pinagkukutaan ng Jihadist fighters.

Ayon kay SDF Official Mustafa Bali, dahil dito umakyat na sa mahigit tatlong libong (3,000) miyembro ng ISIS ang sumuko na sa mga awtoridad sa Syria.

Bagamat abot kamay na ng Syrian Forces ang tagumpay at pagtatapos ng labanan, may kulang kulang isandaan pang terorista ang nanindigang makikipagbakbakan hanggang sa huli.

—-

 

 

 

 

Related Posts