Roque pinag-aaralan na ang pagbibitiw sa puwesto
October 5, 2018
ERC hindi makikialam sa non-renewal ng franchise ng Panay Electric Cooperative
October 5, 2018
Show all

DXDX GenSan
Curfew sa lungsod ng Heneral Santos, ipinahinto?

Ipinahinto na ng alkalde na si Mayor Ronnel Rivera ang pagpapatupad ng curfew hours sa General Santos City simula kahapon, huwebes October 4, 2018 ito ang kanyang inilahad matapos makipagpulong sa lahat ng mga namumuno sa pulisya at kasundaluhan, sa kadahilanang hindi klaro ang guidelines implementation of curfew hours subalit maaari naman umano itong ibalik, kung magkakaroon muli ng banta sa seguridad ng lungsod.

Una ng hiniling ni Atty. Arnel Zapatos, City Administrator kasabay sa Regional Peace and Order Council ang pagpapahinto nito dahil sa kawalan ng saktong guidelines kung paano ipapatupad at kung ano ang magiging epekto nito sa ekonomiya ng lungsod. Samantala, kinuwestyon naman ito ni City Councilor Franklin Gacal Jr. chairperson ng Peace and Order Committee sa konseho ang legalidad ng pagpapatupad ng naturang utos.

Kung matatandaan noong September 16, 2018 linggo, ng mangyari ang bomb explosion sa harap ng isang lying in sa Crossing Makar Barangay Apopong kung saan ikinasugat ito ng walo katao, tatlong araw ang makalipas ng mangyari ang pamomomba, dineklara ng alkalde na isailalim sa alert level 4 ang lungsod. Napapaloob sa alert status ang pagpapatupad nito ng curfew hour, mahigpit na checkpoints, foot patrol, at NO ID NO ENTRY.

Sa nasabing araw rin, wala umanong implementasyon ang naranasan kaugnay sa curfew hours na nagsimula alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw sa mga barangay at simula alas-12 ng hating gabi hanggang alas-4 ng madaling araw para sa mga central business district sa lungsod.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *