‘Cosmic Carabao Gin’ pinakukumpiska – FDA

by Powered by DWIZ
0 comment
‘Cosmic Carabao Gin’ pinakukumpiska – FDA

Pinakukumpiska ng Food and Drug Administration (FDA) sa merkado ang Cosmic Carabao Gin.

Ito ay matapos matuklasan sa pagsusuri ang mataas na antas ng methanol sa mga nakuhang sample sa alak.

Ang methanol ay isang kemikal na kadalasang ginagamit sa mga household products maging sa gasolina ng aircraft.

Dahil dito, binalaan ng FDA ang publiko lalo na’t hindi pa naka rehistro ang produkto.

Hindi naman masabi ng FDA kung ilang bote na ng nasabing gin na gawa ng Juan Brew Incorporated ang nasa merkado dahil ibinibenta ito online.

Magugunitang nasawi ang isa sa dalawang babaeng nalason matapos uminom ng nasabing alak.

Related Posts