Cong. Vicente Veloso kakasuhan ang nasa likod ng pagkakasama niya sa ‘narco list’

by Powered by DWIZ
0 comment
Cong. Vicente Veloso kakasuhan ang nasa likod ng pagkakasama niya sa ‘narco list’

Kakasuhan ng mambabatas na nasama sa narcolist ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga opisyal na naghanda at nag validate sa listahan.

Ayon kay Leyte Congressman Vicente Veloso, dapat maparusahan ang sinumang nasa likod ng pagkakasama niya sa narco list dahil wala itong basehan at malinaw na bunga ng pulitika.

Pinuna ni Veloso na palusot lamang ang sinasabing kakasuhan sa Office of the Ombudsman ang mga nasa narco list.

Ang tamang proseso anya ay dapat kinasuhan muna at hinintay ang desisyon ng Ombudsman kung may probable cause bago ilabas ang listahan.

Una nang sinabi ni Veloso na dati nang nilinis ng PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency ang kanyang pangalan at maging ng aminadong drug dealer na si Kerwin Espinosa.

Related Posts