Cong. Alan Peter Cayetano may paglilinaw sa kanyang isinusulong na term extension

Cong. Alan Peter Cayetano may paglilinaw sa kanyang isinusulong na term extension

by Powered by DWIZ
0 comment 58 views

Nilinaw ni Taguig City Rep. Alan Peter Cayetano na hindi makikinabang ang mga kasalukuyang nakaupong mga opisyal na pamahalaan sa kanyang isinusulong na term limits.

Ayon kay Cayetano, ang term extension ay para sa mga susunod na halal na opisyal at hindi sa mga incumbent official.

Inihalimbawa nito ang tatlong taong termino ng mga kongresista na aniya’y kulang para makapagpasa ng mga mahahalagang batas para sa bansa dahilan kaya walang natatapos at walang sustainability para sa mga mahahalagang programa.

Malinaw anya ang hatian ng termino nila ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco kung saan siya ang uupo bilang speaker ng Kamara sa unang 15 buwan habang papalitan naman siya ni Velasco sa natitirang panahon para sa 18th Congress.

0 comment

Related Posts