Pamilyang Pilipino nagsasabing sila ay mahirap dumami pa — SWS
October 10, 2018
Mga Piniriso Mikita Gikan Sa Ilang Hand-Made Products
October 10, 2018
Show all

Committee report ng Kamara kaugnay sa sikretong kulungan sa isang police station tinanggap ng CHR

Welcome para sa Commission on Human Rights (CHR) ang naging committee report ng Kamara kaugnay sa natuklasang sikretong kulungan sa isang police station sa Tondo, Manila nuong nakaraang taon.

Sa inilabas na resolusyon ng House committee on human rights inirekomenda nitong sampahan ng kaukulang kaso ang mga pulis na nakatalaga sa Raxabago Police Station 1 sa pangunguna ni Supt. Robert Domingo.

Kaugnay nito, hinikayat ni CHR Commissioner Karen Gomez-Dumpit ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na pangalanan ang mga pulis na sinasabing lumabag at umaabuso sa kanilang kapangyarihan.

Nagkasundo ang mga mambabatas na sabihing mayroon ngang secret jail sa Manila Police District (MPD)-Station 1 at hindi sapat ang dahilan ng mga pulis na ginagamit lamang ang book shelf bilang bahagi ng security measures.

Comments are closed.