Committee chairmanship ng minority bloc siniguro ni SP Tito Sotto

Committee chairmanship ng minority bloc siniguro ni SP Tito Sotto

by Powered by DWIZ
0 comment 71 views

Siniguro ni Senate President Tito Sotto na hindi matatanggalan ng committee chairmanship ang minority bloc sa pagbubukas ng 18th Congress.

Ayon kay Sotto, nakatakda siyang makipag pulong kay Senate Minority Leader Franklin Drilon para pag usapan ang mga komite na maaring pangunahan ng minorya.

Aniya, naging maayos ang mga minorya sa pangunguna sa mga komiteng hinawakan nila noong nakalipas na kongreso kaya’t posibleng pumayag ang majority bloc na makipag swap ng komite para sa minorya.

Nanindigan si Sotto na hindi kailangang mawalan ng chairmanship ang minorya para bigyang pabor ang mga bagong senador.

0 comment

Related Posts